News5 (@News5PH )

News5

Bio The Official Twitter account of News5 📲FB/IG/YT: @News5Everywhere 📧: News5Aksyon@news5.com.ph
Location Philippines
Tweets 398,3K
Followers 432,4K
Following 2,1K
Account created 15-04-2010 04:08:32
ID 133152120

TweetDeck : Aniya, bahagi ito ng tangkang bansagan ang University of the Philippines bilang "sentro ng mga rebeldeng komunista."

TweetDeck : Dismayado si Sen. Kiko Pangilanan sa ilang miyembro ng Armed Forces of the Philippines matapos maglabas ang militar ng listahan ng mga umanoy miyembro ng New Peoples Army na nahuli at napatay sa engkwentro.

TweetDeck : Inamin ng Armed Forces of the Philippines na may inconsistencies sa inilabas nitong listahan ng mga estudyante ng University of the Philippines na umanoy miyembro ng New Peoples Army.

📷: Armed Forces of the Philippines Information Exchange

TweetDeck : Masaya ang komedyanteng si Vice Ganda matapos ang unang pag-ere ng ASAP Natin To sa Kapatid network. Isa si Vice sa mga Kapamilya stars na nag-perform sa ASAP stage ngayong Linggo.

#ASAPonTV5 #ASAPasONE

TweetDeck : Pamparampampam 🎶 😍

Isa ka rin ba sa mga napaindak sa Pajama Party dance number ni Kim Chiu sa ASAP Natin To kanina? | 📷: ASAP Natin To

#ASAPonTV5 #ASAPasONE

TweetDeck : Ayon sa apat na unibersidad, pagdepensa sa democratic institutions ng bansa at nation-building ang ilan sa itinuturo nila sa kanilang mga estudyante.

RELATED POST: bit.ly/3qZuQdd

TweetDeck : Nananatili sa 13,779 ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng #COVID19 matapos walang matanggap na bagong report ang DFA. Nadagdagan naman ng tatlo ang mga gumaling sa sakit na ngayon ay nasa 8,820 na. Wala ring naiulat na nasawi ngayong araw.

📷: DFA

TweetDeck : Pursigido sa training si Pinay skateboarder Margielyn Didal maging sa kaniyang posibleng pagbabandera ng watawat ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics na magsisimula sa Hulyo.

TweetDeck : JUST IN | Pumalo na sa 513,619 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng #COVID19 sa bansa matapos magtala ang DOH ng bagong 1,949 infections. Nasa 7,729 mass recovery ang nadagdag sa mga gumaling habang 53 naman sa mga nasawi.

Twitter Web App : Nabanggit niya ito dahil sa isang nag-viral na video ng mga local enforcer na nanamsam ng kariton at nagpadapa ng isang street vendor. Dagdag pa ni Binay, handa ang kaniyang organisasyong tulungan ang vendor na nasa video sakaling humingi siya ng legal action.

Twitter Web App : Hinihikayat ni dating vice president Jejomar Binay ang awtoridad na tratuhin nang maluwag at malasakitan ang mga manininda.

TweetDeck : Sa isang pahayag na nilagdaan ng pamunuan ng ilang unibersidad, mariing sinabi ng mga ito na hindi nila sinusuportahan ang recruitment ng NPA.

TweetDeck : Tinabla ng De La Salle University (DLSU) ang pahayag ni NTF-ELCAC spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. matapos umano nitong sabihin na recruitment havens ng New Peoples Army (NPA) ang nasa 18 unibersidad sa bansa kabilang ang DLSU.

📷: DLSU

TweetDeck : Nitong linggo, sinabi ni Sec. Harry Roque na handa umanong magpaturok ng Sinovac vaccine ang Pangulo pero hindi ito gagawin sa publiko kagaya ng ginawa kay Queen Elizabeth.

TweetDeck : Malaking bagay na isapubliko ang #COVID19 vaccination ni Pres. Rodrigo Duterte para tumaas ang kumpiyansa ng sambayanan na magpabakuna, ayon kay Vice Pres. Leni Robredo.

TweetDeck : Dumating na rin ang ipinadalang contact tracers ng Department of Health para obserbahan ang mga nakasalamuha ng mga pasyente, ayon kay Bontoc Mayor Franklin Odsey na nagpositibo rin sa #COVID19.

TweetDeck : Nasa 411 3-pointers na lang ang kailangan ni Curry para malampasan din ang record ni Hall of Famer Ray Allen—ang may pinakamaraming naitalang 3-pointers sa kasaysayan ng NBA. | via One Sports

FULL STORY: bit.ly/2Y6w0H5